November 10, 2006

ang aking testimonial...

ang aking testimonial...

dumating na po ang sandali...


sa dinamidami ng naguluhan, nagtaka, nagusisa, naghinala, nagtanong, nagagam-agam, napamuni-muni at nahiwagaan sa mga pagkasalungat ng mga ideya at pagka gusot- gusot ng mga sandali kung sino talaga ako sa likod ng pangalang MOUSEY. pasenya na po kayo at dinugo po ang mga utak niyo.

ako po ay walang iba kundi ang kathang isip ni _____. nabuo po ang pangalang mousey dahil para sa kanya, ang mabuhay ay kay hirap kasing hirap ng buhay ng isang daga. ngunit sa likod ng mga ito, kami po ay naging mayaman sa inyong mga ngiti at halakhak tuwing kayo'y dumadalaw sa munting lungga.

ipagpaumanhin niyo po ako. kung ang di niyo na pagsipot ang kabayaran ng aking pagbabalatkayo ay aking taos pusong tatanggapin. at sa mga nagpapatawad sa akin, bago ko po isara ang telon ng mouse-bola-bola nais ko pong paki palit na lang po ang inyong links ng http://boringme-mouse.blogspot.com/.sapagkat dito na po ako mamamalagi. maraming maraming salamat sa mga masasayang sandali na ating pinagsaluhan. at sa inyong walang sawang suporta kayo po ang dahilan kaya nabubuhayan ng loob ang iyong lingkod Mousey.

7 comments:

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

anong drama ito? kahit ano ka pa, saang lungga ka nagtatago ... natutunan kitang mahalin (o baka iba na naman kalabasan nito ha, maintriga din tayo heheh ... carefuuulll!) asarin pala!!!

balatkayo man o hindi, tulad ko (SIRENA) ... kanya-kanyang gimmick lang, kung ano lang ang gusto natin i-blog eh BAKEEET didiktahan ng iba??? kung PEKE tayo, mas peke pala ang pakikipagkaibigan nila ... mabaho man ang daga, malansa man ang sirena ... sa likod ng mga ito, ay TUNAY na nilikha ... NIYA!!!

okies, magpapalit ka lang pala ng lungga ... nadala tuloy ako! makaalis na nga at baka tamaan ako ng kidlat! :D

kneeko said...

sige hibernation time na sa mainit-init mong lungga sa kabila hehehhe

sabi ko na nga ba eh...

okiesss see yah there...

nona said...

ganunpaman, labs pa rin kita...pero bakit magkaiba ang mata?...wag mo sabihin iba ang kanan sa kaliwa...hahaha!

sasha said...

Aha! Nagladlad na rin ang mousey! :) Cge, at madalas din naman akong nadalaw sa kabila mong lungga... dumadaan ako rito to tag heheh

Mahal ka namin, mousey kahit na sabihin mong ikaw pala ay pusa! Nyeheheh joke lang po! :))

melai said...

hehehehe parang mawawala e lilipat lang naman ng tuluyan ng bahay :)

Ann said...

Bakit ka biglang nag drama, siguro hinahanting ka ng pusa no? Di Bale basta susundan ka namin sa bago mong bahay.

rHo said...

dadalawin pa rin kita sa bago mong lungga... enjoy sa paglilipat-bahay! hehehe...